Buwan ng Wika

Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ito ang pinalawig na pagdiriwang ng Linggo ng Wika na pinalawig noong Enero 15, 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Kadalasang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan.

Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.

Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba’t ibang munisipalidad.

Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.

Agosto 28, 2018

Alas 10:00 ng umaga hanggang Alas 12:00 ng tanghali.
Pagbubukas na seremonya para sa Buwan ng wika kasabay ng panalangin, pag-awit ng Lupang Hinirang at Himno ng Celtech College at pangtatanghal ng “Tanghalang MASKARA.”
1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon.
Pagbubukas ng kompetisyon para sa “Tagisan ng Talino”
Mga nagwagi a sa “Tagisan ng Talino”:

Senior High School
12-STEM (Champion)

  • Asuncion, Mitch Mae G.
  • Bianes, Lawrence
  • Esguerra, Julliah F.
  • Sacmar, Rosita N.
  • Vindua, Justin C.

12 ICA (1st Placer)

  • Zamora, Ferly Mae A.
  • Luzon, Alexis E.
  • Apog, Kathlyn V.
  • Mania, Sherina Mae
  • Maarat, Joyce Ann Marie P.

11 STEM (2nd Placer)

  • Eusebio, Maria Patricia
  • Tabilin, Jordache Joy
  • Gonzales, John Joshua
  • Eduvane, Francess
  • Jalandoni, Franklyn

Kolehiyo
BSME 1A (Champion)

  • Paule, Jeffry
  • Tolentino, Jhunie
  • Custodio, Charles Nico
  • Cortez, Coleen Keith
  • Ramos, Cheyna Jane

BS Criminology 4-1A (1st Placer)

  • Dela Cruz, Azizaj B.
  • Ruano, Jerico G.
  • Tolentino, Jerry Co
  • Garcia, Klaudine Marce
  • Orgado, Diana Joyce

BSMT 1B (2nd Placer)

  • Begonia, John Carlo D.
  • Mary, Ruel M.
  • Amagna, Arn
  • Dano, John Robert
  • Pebanco, Jayk Elmer A.

Agosto 29, 2018

10:00 ng umaga hanggang 11:00 ng tanghali.
Pambungad na pambati at Pagbigay ng pamantayan sa bawat paligsahan na gaganapin sa nasabing araw.

Ang mga lupon ng inampalan: G. Dick Ladringan, Gng. Sherry Torres at Bb. Izelle Dela Cruz.

Mga nagwagi sa “Spoken Poetry”

  • Macabenta, Jazfer Jemuel Maritime 11-Alpha (Champion)
  • Aldana, Daniel Yves Maritime 11-Alpha (1st place) 
  • Lacorte, Patricia Rose HUMSS- 12 (2nd place) 

12:00 ng tanghali hanggang 5:00 ng hapon.
Pagbubukas ng kompetisyon para sa “OPM SOLO”

Ang mga lupon ng inampalan: Bb. Jeandhel C. Auman G. John Oliver F. Panes at Dr. John James A. Larafoster.

Mga nagwagi :

HUMSS -12

  • Diano, Jezrelle (Champion)
  • Maninang, Alexia (1st place)
  • Lacorte, Patrica Rose (2nd place)

Agosto 30, 2018

Pagbubukas ng Palatuntunan para sa mga Lakan at Lakambini 2018.
Pambungad na panalangin, Pag-awit ng Pambansang Awit, at Ang Celtech Himno.
Pagpili sa mga natatanging karangalan:

Pinakamagandang Mukha para sa lalaki at babae

  • Bb. Ma.Elyssa Borja
  • G. Jharyll Sapanlay

    Pinakamagandang Kasuotan para sa lalaki at babae

    • Bb. Ma. Elyssa Borja
    • G. Rucell D. Regino

    Pinakamuhasay na Talento para sa lalaki at babae
    G. Reyginald Perez

    • Bb. Joan Nicole D. Blanco

    Lakan at Lakambini 2018

    • Bb. Virone Lovino
    • G. Aldrige Aguilar

    Lakan Luzon at Lakambini ng Luzon 2018

    • Bb. Kathleen May Torres
    • G. Jharyll Sapanlay

    Lakan ng Visayas at Lakambini ng Visayas 2018

    • Bb. Ma. Elyssa Borja
    • G. Jose Belino

    Lakan ng Mindanao mat Lakambini ng Mindanao 2018

    • Bb. Joan Nicole D. Blanco
    • G. Raymond M. Pimentel
    Categories: Event